TSUNAMI WARNING:

The National Weather Service has issued the following TSUNAMI WARNING: "A Series of powerful waves and strong currents may impact coasts near you. You are in danger. Get away from coastal waters. Move to high ground or inland now. Keep away from the coast until local officials say it is safe to return."

Panatang Pang-Komunidad

Sama-sama tayong mangangako sa Oakland at sa komunidad.

Magpakita tayo.

Mangako tayo na aalagaan ang ating sarili at ang ating komunidad, at babantayan natin ang iba.

Nabigyan tayo ng pandemiya ng panahon na huminto at isip-isipin kung ano ang maging katangi-tangi sa ating bayan.

Ito’y ang mga mamayan dito; ang mga may-ari ng negosyo, ang mga angkan-angkan na pamilya, mga musikero, mga tagapangasiwa, at mga artista.

Ito’y ang kasaysayan: ng mga imigrante, ng mga kababaihang nagbukas-landas, ng mga aktibismong panglipunan.

Ito’y ang kalikasan; ang mga kakahuyang redwood, mga burol, mga sapa at daang-patubig, ang mga lawa ng lungsod.

Ito’y ang ating pamana at pagpupunyagi na panatilihing buhay ang ating kultura.

Ito’y ang pangangalaga at paggalang ng mga mamamayan sa isa’t isa.

Kaya ipakita natin ang pagmamahal.

#OaklandLoveLife (#OaklandBuhayMinamahal)

Ipauuna muna ang ating komunidad.

Habang muling lalawak ang ating mundo at ang panahon ay umpisang bibilis, alalahanin ang iyong pangako sa Oakland:

  1. Isiping unahin ang Oakland:
    -Mamili sa inyong pook at itaguyod ang mga negosyo rito, lalong-lalo na ang mga negosyong BIPOC (Black, Indigenous, and People of Color) (Kutis-Itim, mga katutubo, at mga taong makulay ang balat)
    -Itaguyod and mga pistahan at mga kaganapan sa komunidad.
    -Itaguyod at magbuluntaryo sa mga non-profits sa inyong pook.
  2. Gawing ugali ang magpasensya at mapanghalaga sa mga nagtatrabaho sa front-line habang sila ay umaangkop sa bagong pamamaraan.
  3. Ibahagi ang pagpapahalaga sa iba.
  4. Huwag mag-iwan ng anuman sa ating mga liwasan, sa waterfront, o sa kalye ng mga kapitbahayan.
  5. Magsuot ng maskara at manatili ng 6 na talampakang layo sa ibang tao, hangga’t maari.
  6. Malimit maghugas ng kamay, manatili sa bahay kung ikaw ay maysakit, at sundin ang mga patnubay ng estado at ng inyong bayan upang manatiling ligtas ang bawat isa at mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa ating komunidad.

#ThinkOaklandFirst (#IsipinOaklandMuna)

Inangkop mula sa Visit Oakland’s Community Pledge

Was this page helpful?

Your feedback will help us improve our website. We cannot reply individually to all feedback.
Your feedback will help us improve our website. We cannot reply individually to all feedback.
Your feedback will help us improve our website. We cannot reply individually to all feedback.